Ikinasa na ang mga rally ng ilang mga grupo, ilang oras bago magsimula ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
Kaninang umaga, sinimulan ang pagsusunog ng effigy ng Pangulo at ni Vice President Sara Duterte sa kahabaan ng Commonwealth Avenue in Quezon City.
Pinangunahan ito ng mga multi-sectoral groups, kabilang ang Bayan Southern Tagalog.
Mababatid na noong Sabado, sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi aarestuhin ng mga local law enforcers ang sinomang mahuhuling nagsusunog ng mga effigy kasabay ng SONA ngayong araw.
Paglilinaw pa ni Belmonte, batay sa pag-aaral niya sa batas hinggil sa effigy – ang tinutukoy dito ay ang layo o distansya.
Aniya, kung nasa loob ng 100 meters – bawal po yung magsunog ng effigy; pero kung beyond 100 meters naman – wala naman umanong binanggit ang batas na bawal ito.