Bahay ng dating comedian/actor na si ‘Mura’ sa Ligao, Albay – nasunog

HUMIHINGI ngayon ng tulong ang dating comedian actor na si Allan Padua o mas kilalang bilang si “MURA” matapos na masunog ang bahay nito sa lunsod ng Ligao sa Albay.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection Ligao, 9 y media ng gabi nang maganap ang sunog kung saan ayon kay Mura, nakita niya ang kanyang ama na may pinapausok sa loob ng kwarto ng kanyang kapatid hanggang sa nabigla na lamang na lumiliyab na ang
bahay.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Wala naman umanong nasaktan subalit wala silang naisalbang anumang gamit kung kaya nananawagan ito sa publiko sa mga nais mag-abot ng tulong tulad ng mga damit at pinansyal para muling maitayo ang bahay.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbistigasyon ng BFP Ligao sa kung ano ang sanhi at naiwang halagang ng pinsala ng sunog.

Sa ngayon pansamantala munang nananatili ang pamilya ni Mura sa waiting shed.

Bilang pangunang tulong, nagtungo na rin ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan maging ang DSWD para mag-abot ng tulong.