PBBM, hindi raw nasorpresa sa pagbaba ng rating

Hindi na raw nasorpresa si Pangulong Bongbong Marcos sa pagbaba ng rating nito sa inilabas na survey ng Pulse Asia.

Sa media interview, sinabi ng Pangulo na hindi raw masisi ang publiko lalo na’t ang usapin sa bigas ang nakahila sa kanyang rating.

Kaya naman patuloy anya ang pagtatrabaho nila ng husto para matiyak na may sapat na pagkain at abot-kayang bilihin para sa mga Pilipino.

Paglilinaw ng Pangulo, ginagawa nila ito hindi para mapataas ang rating kundi para sa ikagaganda ng buhay ng publiko.

Sa tingin din ng Presidente, nasa tamang direksyon na ang bansa dahil gumaganda na ang supply ng bigas at inaayos na rin ang distribusyon, tulad ng pagbabawal sa paniningil ng mga pass through fees sa mga bumabyahe ng agricultural products.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *