PBBM, hindi magbabago ang posisyon kaugnay sa ICC

Hindi nagbabago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa International Criminal Court

Ito ay kahit pa may inihahandang briefer ang Justice Department.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Paglilinaw ng palasyo na tungkulin ng Justice Department na pag-aralan lahat ng legal na hakbang para maresolba ang isang isyu at tiyakin na nasabihan ng lahat ng kanyang pagpipiliang hakbang.

Laman ng briefer ang mga senaryo sakaling mag-isyu ng warrant of arrest ang ICC kaugnay ng Duterte drug war at kung dapat bumalik ang ICC sa Pilipinas.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sinabi ng palasyo na standard procedure at hindi pagbabago ng posisyon ang pagsigurong handa ang adminstrasyon sa anumang posibleng mangyari.