Panelo: nakasisira kay dating PRRD ang umano’y ‘gentleman’s agreement’ kasama ang China

Muling idiniin ni dating chief presidential legal counsel Salvador Panelo na walang katotohanan ang umano’y ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ni dating pangulong Rodrigo Duterte, at ng China.

Kinontra ni Panelo ang naging pahayag ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.

Ayon kay Panelo – wala naman daw nabuong kasunduan ang China at ang administrasyong Duterte.

Sa tingin tuloy niya – ang mga nagpapakalat daw ng ganitong balita ay nakasasama lamang at dumudungis sa reputasyon ng nagdaang administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *