PBBM, bilib sa mga Filipino students na namayagpag sa iba’t ibang international STEM Olympiads

Ipinagmalaki ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga Pilipinong estudyanteng namayagpag sa iba’t ibang international STEM o Science, Technology, Engineering, and Mathematics Olympiads.

Ayon sa Pangulo, bukod sa mga atletang Pinoy, humahataw din sa pandaigdigang entablado ang mga Pilipinong mag-aaral sa agham at matematika.

Kaugnay nito nagpaabot ng pagbati si Pangulong Marcos sa mga estudyante ng Philippine Science High School na nagwagi ng medalya sa International Astronomy and Astrophysics Olmypiad na ginanap sa Brazil.

Read More:  Filipina files acts of lasciviousness complaint vs Russian Embassy staff

Maging ang mga estudyanteng nakasungkit ng gintong medalya sa International Nuclear Science Olympiad, Bronze medal sa 56th International Chemisty Olympiad, gold, silver, at bronze medals sa Asean Plus 3 Jr. Science Odyssey sa Cambodia, at dalawang ginto sa Singapore International Math Olympiad Challenge.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Binigyang diin ng Pangulo na mahalaga ang STEM subjects, dahil ito ang pangunahing pinagbabatayan ng lahat ng uri ng teknolohiya, at kina-kailangan umanong maunawaan ang siyensya at mathematics upang magamit ang teknolohiya sa pamumuhay at makasabay sa bagong ekonomiya ng mundo.