36K pulis, ipanakalat para sa COC filing

Nag-deploy ng nasa 36 libong tauhan ang Philippine National Police (PNP) para matiyak ang epace and order sa paghahain ng certificate of candidacy simula ngayong araw hanggang sa October 8.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, paiigtingin ang police checkpoints at border control sa buong bansa.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Ito’y para masigurong walang magpapagala-galang indibidwal na may baril na maaaring makabalam sa electoral process.

Tiniyak din ni Fajardo na handa rin ang mga pulis sa Metro Manila, partikular na sa Taguig at Makati na may transition sa botohan ng Embo barangays.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Nauna nang sinabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nasa 1,389 personnel ang ipapakalat sa iba’t ibang filing centers sa buong Kamaynilaan.

Ito umano ay para matiyak ang kapayapaan sa paghahain ng ng kandidatura ng mga political aspirants, mapa-local man, ‘o national seat.