Nakabalik na sa bansa si Pangulong Bongbong Marcos matapos dumalo sa royal wedding sa Brunei.
Sa mensaheng ibinahagi ni PCO Sec. Cheloy Garafil sa media, alas syete kagabi nang dumating sa bansa ang Pangulo.
Nabatid na isa ang Pangulo sa mga state leader na inimbitahan ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah, sa kasal ng anak nito na si Prince Abdul Mateen at Yang Mulia Dayang Anisha Rosnah Binti Adamna.
Kasama ni PBBM si first lady Liza Araneta Marcos.