Mainit na sinalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ilang miyembro ng Kabinete ang pagdating ni Prime Minister Fumio Kishida.
Nasa Pilipinas ang Prime Minister ng Japan upang dumalo sa isang bilateral meeting sa Malacanang.
Una ng sinabi ng Malacanang na nakatakda ng pag-usapan ng dalawang lider ang ilang isyu tulad ng West Philippine Sea, trade and investment at maging official development assistants ng Japan sa Pilipinas.
Inaasahang matatalakay din ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang usapin tulad ng political at security cooperation maging ang economic at people to people relations.
Umaasa naman si Armed Forces of the Philippines chief of staff Romeo Brawner na sa pagbisita ni Kishida maisasapinal na ang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
