Maari nang tanggpin ng Philippine Basketball Association ang full capacity crowds simula ngayong araw.
Ito’y matapos na isailalim na ng gobyerno ang National Capital Region at kalapit na mga probinsya sa COVID-19 Alert Level 1.
Una nito, pinapayagan lang ng PBA ang 50% audience capacity sa ilalim ng Alert Level 2 sa Metro Manila was under Alert Level 2.
Ayon kay commissioner Willie Marcial, magbabalik ang liga sa Araneta Coliseum ngayong araw, matapos isagawa ang nakaraang limang laro sa Ynares Sports Center sa Antipolo, para bigyang daan ang FIBA World Cup Asian qualifiers.

Kaugnay nito, mahigpit na susundin ng PBA ang health at safety protocols, kung saan required ang mga fans na ipresenta ang kanilang vaccination cards at government ID.