PBA officials, bibisita sa B.League counterparts sa Japan

Lilipad papuntang Japan ngayong araw ang mga opisyal ng PBA para makipag-meet sa kanilang counterparts mula sa B.League, bilang bahagi ng kanilang nagpapatuloy na talks, para mapaigting ang partnership sa pagitan ng dalawang liga. 

Kaugnay nito, sina PBA commissioner Willie Marcial at chairman Ricky Vargas ang mangunguna sa initial group na lilipad papuntang Tokyo.

Sina Vice chairman Bobby Rosales namn ng Terrafirma, San Miguel Corp. sports chief Alfrancis Chua at Erick Arejola ng NorthPort ay kasama sa grupo, kabilang sina PBA deputy commissioner Eric Castro, legal counsel Melvin Mendoza, finance officer Odessa Encarnacion at social media head Mich Flores.

Ayon kay Marcial, na noong EASL conference sa Manila, dinalaw sila ng mga Japanese league officials, kaya ngayon naman ay sila ang bibisita.