PBA Governors Cup, tuloy sa kabila ng FIBA window

Hindi na isususpende ng PBA ang kanilang Governors’ Cup sa kabila na magaganap rin ang FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong buwan.

Ayon sa league executives, hinanapan na nila ng paraan ang mga venues, maging ang kanilang television partner para matiyak na ang PBA games ay matutuloy sa kabila na nagpapatuloy ang FIBA window.

Read More:  Lakers acquire Walker Kessler in sign-and-trade deal

Nabatid na sa February 11 magre-resume ang PBA sa kanilang Governors’ Cup, habang ang FIBA window ay magaganap sa February 24 hanggang 28 sa Araneta Coliseum.

Read More:  Lakers acquire Walker Kessler in sign-and-trade deal

Kaugnay nito, ang Gilas Pilipinas national team ay maglalaro ng apat na games sa qualifying window.

Sinabi ni league commissioner Willie Marcial, na habang ginagawa ang FIBA window sa Big Dome sa Quezon City, ang PBA naman ay magpapatuloy sa kanilang mga laro sa Ynares Center sa Antipolo. //MHEL PACIA-TRINIDAD