CAMARINES NORTE – Umarangkada na simula kahapon sa lalawigan ng Camarines Norte ang pay out ng Social Pension para sa second semester ng taong 2021.
Kasalukuyang nagsasagawa ng pay out sa mga bayan ng Daet at Sta Elena na tatagal hanggang Biyernes at inaasahang susunod na rin ang iba pang bayan.
Ang second semester ay mula Hulyo hanggang Disyembre.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), kasama na rin sa ipi- pay out ngayon ay ang hindi natanggap na grant ng mga beneficiaries noong mga nakaraang pay out.


Ang Social Pension ay isang programa ng gobyerno na nagbibigay ng Php 1,500 kada kwarter ng taon o katumbas na Php 500 kada buwan
Para ito sa mga mahihirap, mahina, at may karamdaman na senior citizens edad 60 taon gulang pataas na walang natatanggap na pension mula sa SSS, GSIS, o iba pang uri ng pension mula sa gobyerno o pribadong ahensya.
Mahigpit namang ipinatutupad ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at social distancing sa venue ng pay out.

