Paulo Avelino, dinipensahan si Jake Cuenca matapos nitong magpahabol sa pulis

Dinipensahan ni Paulo Avelino ang kapwa nito aktor na si Jake Cuenca na nasangkot sa isang police chase noong October 9, 2021.

Sinabi ni Paulo sa kaniyang tweet, “I wouldn’t stop for anyone shooting my vehicle wearing civilian clothes. Pass through a checkpoint? Hinarang ba?

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Giit ng aktor, may dalawang bagay siyang pwedeng gawin sakaling meron bumabaril sa kaniya, ito ang gumanti ng putok o iligtas ang sariling buhay.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Matatandaan na nabangga ng SUV ni Jake ang sasakyan ng mga pulis habang nasa gitna ito ng buy-bust operation sa Mandaluyong.

Hindi tumigil si Jake sa pagmamaneho na dahilan para habulin ito ng mga otoridad hanggang Shaw, sa Pasig City.