7-taong gulang na bata, patay matapos malunod sa ilog sa Nueva Vizcaya

Patay na ng matagpuan ang pitong taong gulang na bata matapos malunod sa ilog sa Nueva VCizcaya.

Base sa imbestigasyon, nagkayayaang maligo sa ilog ang biktima at ang kanyang pinsan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nang lumusong umano ang bata sa tubig ay hindi na ito nakita kaya agad na humihingi ng tulong ang kasama nito.

Agad na nagsagawa ng rescue operations ang mga awtoridad at natagpuan ang bata 500 metro ang layo mula sa bahagi ng ilog kung saan siya nawala.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Nadala pa sa ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.