Naniniwala si Senadora Grace Poe na patuloy pa rin ang pagtaas ng mga krimen na kinabibilangan ng paggamit ng mga subscriber identity module (SIM) sa kabila ng pag-iral ng Sim Registration Act sa bansa.
Kaugnay nito, naghain si Poe ng isang resolusyon na naghihimok sa Senado na siyasatin ang pagdami ng text scams at paggamit ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ng sim upang magsagawa ng illegal na transaksyon.

Ayon sa senadora, marapat lang itong isagawa upang matiyak na mapapanagot sa ilalim ng RA 11934 o Sim Registration Act ang sinumang lalabag at gagamit ng sim card upang magsagawa ng krimen.
Kung maalala, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC), umabot na sa 67.83% ang mga registered sim card sa bansa nitong Hulyo.