Nililinlang ng Department of Agriculture (DA) ang publiko sa pagpapalabas na bumababa ang presyo ng bigas makaraang ibenta ang ilang bahagi ng buffer stocks ng bigas sa mga kadiwa store.
Ito ang iginiit ni Raoul Manuel ang Representative ng Kabataan Party-list, sa naging panayam ng Brigada kaugnay sa pagbebenta ng buffer rice sa mga Kadiwa Store.
Dagdag pa ng Kongresita, ang mga pondong bigas ay dapat nakareserba para sa oras ng sakuna ay may supply na maibebenta sa mas murang halaga at hindi iaalok sa mga kadiwa center na palalabasing nagmura na ang bigas.
Una rito, umamin ang DA na wala silang kongkretong plano kung paano maipapatupad ang pangakong P20 kada kilo na bigas ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na kalihim rin ng kagawaran ng Agrikultura.