Patuloy na pagsirit ng presyo ng asukal, ikinabahala ng isang grupo

Nagbabala ang isang labor group hinggil sa posibleng problemang kahaharapin ng publiko, kawalan ng trabaho, economic dislocation, at pag-collapse ng industriya ng asukal sa sandaling nagpatuloy ang pagsirit ng presyo nito.

Ayon kay General Alliance of Workers Associations secretary general at convernor ng Save the Sugar Industry Movement Wennie Sancho, dumating na ang oras na kinatatakutan nila.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Mababatid na isinisisi ng mga magsasaka ang importasyon na ginagawa ng pamahalaan sa mababang presyo ng asukal – kung saan umaabot lamang ng P2,300 hanggang P2,500 kada-50 kilong sako nito.

Higit na mas mababa ang naturang presyong ito sa inaasahang price level na P3,200 na makapagbibigay sana sa mga producers at maliliit na magsasaka ng mas maayos na kita.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa huli, ikinaalarma ni Sancho na lubhang nakaaapekto ang sugar import liberalization sa mga taong nakikinabang sa agrarian reform, maliliit na magsasaka at industrial mill workers na nakadepende sa industriya ng asukal.