Kasong grave threat na isinampa laban kay dating Pang. Duterte, ‘baseless’ raw

Nagtipun-tipon kaninang umaga sa harap ng Quezon City Prosecutors Office ang mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y upang magbigay suporta sa dating pangulo kaugnay ng kasong grave threat na isinampa laban sa kanya ni ACT teachers party-list Rep. France Castro.

Ang reklamo ay nag-ugat sa umano’y muling pagbabanta ni Duterte sa buhay ni Castro sa kanyang TV program noong Nobyembre tungkol sa confidential funds ng anak nitong si VP Sara Duterte.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Inaasahan kasing ngayong araw ay magsasampa ng counter affidavit ang kampo ni Duterte.

Ayon kay Nolan Tiongco, Pangulo ng Leauge of Parents of the Philippines, na tumitindig sila kay Duterte, dahil baseless umano ang kaso at napaka aga pa raw para mamulitika.

Ayon naman sa pinsan ng dating pangulo na si Ma. Femma Duterte , anuman laban ang kaharapin ng kanyang pinsan ay nasa likod lamang niya ito.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Panawagan ng grupo, pag-aralang mabuti ng mga awtoridad ang kasong isinampa laban kay Duterte.

Kaugnay ng pagtitipon, nagpakalat ng pulisya sa paligid ng QC Prosecutors office upang matiyak ang seguridad at hindi maantala ang transaksyon.

Bukod pa ito sa Task Force Disiplina na ipinakalat ng QC LGU.

Ayon sa Quezon City Police District, nasa 150 na mga supporters ng dating pangulo ang nagtungo sa harap ng QC Prosecutor’s Office.