Patuloy na pag-aalaga sa northern sierra madre natural, ipinanawagan

Ipinanawagan ng Department of Environment and Natural Resources Region 2 ang patuloy na pag-aalaga ng tatlong coastal area ng Isabela sa Northern Sierra Madre Natural Park.

Ayon sa kagawaran, ang NSMNP ang pinakamalaking protected area sa bansa kung saan mayroon itong lawak na 360, 000 hectares na malaking tulong sa ecosystem.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

Binigyang-diin ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ang gampanin ng Sierra Madre sa paglaban sa climate change dahil ang carbon sequestration hatid ng kagubatan ay itinuturing na nature-based at economical solution.

Kabilang sa binisita ng opisyal ang Palanan, Divilacan at Maconacon upang suriin ang kanilang environmental activities bilang bahagi ng selebrasyon ng Month of the Ocean.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Samantala, nagkaroon din ng pagtatanim ng 100 Buton seedlings sa Culasi River ng Palanan, clean-up drive sa Maconacon at pakikipag-ugnayan sa Bicobian Weavers Association ng Divilacan na benepisaryo ng kanilang Biodiversity-Friendly Social Enterprise project.