Patas na presyo ng mga Undas-related commodities sa merkado, binabantayan ng DTI

Mahigpit na minomonitor ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga Undas-related commodities sa merkado.

Ito’y matapos ang ginawang pag-iikot ng ahenys sa Dangwa Market, Supermarket at mga bus station para alamin ang presyo ng mga bottled water, kandila at bulaklak ilang araw bago ang Undas.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon kay Trade Secretary Pascual, nais nilang masiguro ang patas na presyuhan ng mga nasabing bilihin para mapangalagaan ang interes ng mga mamimili sa paggunita ng All Souls Day at All Saints Day.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Nanawagan naman ang DTI, sa ilang negosyante na huwag samantalahin ang Undas na base sa kanilang pinakahuling bulletin ng Suggested Retail Price (SRP), ang presyo ng bottled mineralized water ay nasa P7.15 hanggang P75, depende sa laki.