Pastor Quiboloy, maaring maharap sa life imprisonment

Nanindigan si Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senador Risa Hontiveros sa kasalukuyang pagdinig na hindi normal ang child abuse.

Ito ay matapos kwestyunin ni Alyas Nina kung ito ba ay normal lang dahil naranasan niya ito sa ilalim ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ayon sa naratibo nina Alyas Nina, Alyas Sofia at Alyas Amanda, nakaranas umano sila ng pangagahasa mula mismo kay Apollo Quiboloy.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Samantala, ayon kay Alyas Jerome, menor de edad pa lamang siya ay inutusan na siyang mag-solicit sa iba’t ibang mall habang gumagamit ng mga pekeng ID.

Maliban pa roon, inutusan din umano siyang ipukpok ang kanyang ulo sa pader hanggang sa ito’y dumugo dahil sa rasong nakipag-date siya.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Hontiveros na kakaharap si Quiboloy at maging ang ilang opisyales nito sa life imprisonment kung mapatutunayang totoo ang mga akusasyon laban sa mga ito na human trafficking at pang-aabuso.

Samantala, nilinaw ng nasabing komite na nagpadala sila ng imbistasyon kay Quiboloy ngunit wala silang nakuhang kompirmasyon mula rito.