Para bigyang daan ang opening ceremony ng FIBA Basketball World Cup 2023, sinuspinde ni Pangulong Bongbong Marcos ang pasok sa lahat ng pampublikong paaralan at gobyerno sa Metro Manila at Bulacan, sa darating na August 25.
Sa inilabas na Memorandum Circular No. 27 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na ang pag suspinde sa pasok ay pagpapakita ng commitment at partisipasyon ng pamahalaan sa sports promotion and development.

Binigyang-diin din ng Pangulo na ang pagsususpinde sa trabaho ng gobyerno at klase sa mga pampublikong paaralan ay ang pagsisikap ng gobyerno na magbigay ng buong suporta at tulong sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pagtiyak ng ligtas, maayos at matagumpay na opening ceremonies ng FIBA Basketball World Cup 2023 .
Hindi naman kasama sa suspensyon ang mga government agencies na involved sa delivery ng basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, o mga nagbibigay ng vital services.
Samantala, nakasaad rin sa naturang EO na nasa discretion na ng mga pribadong kompanya at esweklahan kung magsususpendi rin sila ng pasok.