Lumalalang nurse-patient ratio sa bansa, ikinabahala ng isang mambabatas

Binigyang-diin ni San Jose del Monte City Lone District Rep. Florida “Ate Rida” Robes na talagang hindi na balanse ang nurse-to-patient ratio sa bansa, kung saan ang isang nurse na ang humahawak ng isang buong ward kada-shift.

Ani Robes, “one is to ward,” na ang kalagayan ng mga nurse sa mga ospital, at ang sitwasyon na ito ay hindi na biro.

Read More:  No extension for COC filing in BARMM parliamentary elections — Comelec

Dagdag pa nito, ang isang nurse ay nagbabantay sa 20 hanggang 50 pasyente kada shift – bagay na hindi umano dapat ipagsawalang bahala.

Read More:  Palace denies Marcos link to Franco Mabanta

Dahil sa kasalukuyang staffing ratio, maituturing pa raw bang safe ang healthcare system sa bansa?

Mariing sinabi ng mambabatas na ang pagkakaroon ng mas ligtas na nurse-patient ratio ay makabubuti para sa mga Pilipino, dahil bababa ang medical errors, patient mortality, hospital admissions; mapagbubuti ang patient satisfaction; at maiiwasan ang nurse fatigue.”