Nagbaba ngayon ng direktiba si Northern Kabuntalan Mayor Datu Umbra Dilangalen na hwag munang pumasok sa paaralan lalo na sa mga barangay ng bayan na labis na naapektuhan ng pagbaha.
Ibinaba ng alkalde ang kautusan sa isinagawang 2nd Quarter Joint MPOC Meeting kamakalawa sa Executive Building sa Barangay Damatog sa nabanggit na bayan.
Sa panayam ng BRIGADA News FM Cotabato kay Mayor Dilangalen, sinabi nito na ang hakbang na ito ay upang maiwasan ang anumang mga di inaasahang pangyayari lalo na sa mga mag-aaral na magbabalik eskwela na sa susunod na linggo.
Samantala, hinikayat naman ng alkalde ang mga mamamayan at mga lokal na opisyal ng bayan na magtulungan sa pagsusulong ng mataas na kalidad ng edukasyon para sa mga kabataan sa bayan.
Para mapahusay ito ay kanyang iminungkahi na magkaroon ng komite kung saan pangungunahan ng mga Barangay Officials para imonitor ang attendance ng mga volunteer teachers sa mga paaralan sa bayan. (Jom Dimapalao)