Pasko at CPP Anniversary sa Camarines Sur Generally Peaceful

NAGA CITY- Naging mapayapa ang pagdiriwang ng pasko sa Camarines Sur.

Ito ang assessment ng Camarines Sur Police Provincial Office na ibinahagi sa sa Brigada News FM Naga ni Provincial Director PCol. Bernardo Perez.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Aniya hindi maikakaila na tila ba normal na ang dagsa ng tao sa mga pampublikong lugar lalo pa sa mga simbahan. Subalit walang kapagurang nagpaalala at sumita ang pulisya na nasa new normal pa rin o hindi pa nawawala ang pandemya.

Samantala, kahapon ang ika-53 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP). Naging alerto ang PNP sa posibleng pagpaparamdam ng mga rebelde. Ayon kay Perez, naging peaceful din ang okasyon ng CPP. Kasabay nito ang pakikiusap ng PNP Provincial Director sa publiko na huwag yakapin pamamaraan ng mga rebelde.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting