Nabulabog ang mga empleyado at kliyente ng Pasig City Hall of Justice dahil sa bomb threat.
Ayon sa awtoridad, 8:45 ng umaga ng matanggap ang banta sa email.
Nakasaad sa email na sasabog ang gusali alas 9 ng umaga kaya kailangang lumikas kaagad sa lugar.
Tumagal ang assessment ng 15 hanggang 20 minuto hanggang sa ideklara ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) K9 na malinis at ligtas ang gusali bago pinayagang muling makapasok ang mga empleyado at kliyente sa gusali.