DA – target maging commercially available ang bakuna vs ASF

Target ng Department of Agriculture na maging commercially available ang bakuna kontra African swine fever bago matapos ang taon.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, kinakailangan ang malawakang pagbabakuna sa harap ng pagtaas ng mga kaso ng ASF sa bansa.

Read More:  Senate court allows NBI agent to testify in VP Duterte impeachment trial

Mula kase sa 472 na kaso ng ASF noong unang linggo ng Setyembre ay lumobo pa ito sa 524 nitong Setyembre 24.

Sa ngayon ay puspusan na ang pakikipagtulungan ng D.A. sa Food and Drug Administration para matiyak ang pagkakaroon ng ligtas at epektibong bakuna.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Batay sa paunang resultang nakuha ng D.A., nakagagawa ng antibody panlaban sa ASF ang mga baboy na naisailalim sa controlled vaccination ng D.A.