Epektibo na ngayong araw, October 1 ang paggamit ng 3% coco methyl ester sa diesel fuel sa buong bansa.
Ayon kay Department of Energy Usec. Alessandro Sales, inilabas ang kautusang ito noon pang Mayo, pero binigyan ng pagkakataon ang mga petroleum company na makapag handa sa paglalabas ng mas mataas na three percent na biodiesel.
Layon ng naturang kautusan na makasunod ang bansa sa biofuel law at matulungan ang mga magsasaka ng niyog na lumaki ang kanilang kita at mabawasan ang greenhouse emission. Sa ilalim din ng batas, itataas ang biodiesel mix kada taon, o iaakyat sa 4% pagsapit ng 2025 at 5% sa 2026.
Inaasahan namang may bahagyang pagtaas sa magiging presyo ng diesel pero ang kapalit naman daw nito ay ang efficiency ng takbo ng isang sasakyan. Batay daw kasi sa kanilang pag-aaral madagdagan ng hanggang 10% ang mileage ng isang sasakyan na gagamit ng biodiesel mix.