2 Chinese nakitang nagtatago sa barkong hinuli sa Batangas

Nahuling nagtatago sa engine room ng barkong nakumpiska dahil sa iligal na pagpuslit ng P95 milyong langis sa Batangas port ang dalawang Chinese.

Mababatid na naaktuhan ng Philippine National Police na nagsasagawa ng paihi ang naturang barko.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Nadakip dito ang anim na Pilipino at dalawang crew mula sa Indonesia.

Sinabi ng PNP bine-verify na nila ang mga dokumento ng dalawang Chinese at hawak na rin nila ang oil tanker kung saan sinalin ang diesel.

Read More:  Shooting at Ateneo de Zamboanga University leaves two dead

Kinasuhan na ng paglabag sa Anti-Smuggling Law at iligal na pagbebenta ng mga petroleum product ang mga suspek.