Partylist lawmakers, naghain ng resolusyon na humihimok na imbestigahan ang pagkamatay ng negosyanteng si Yvonne Plaza

Naghain ng resolusyon ang mga partylist lawmakers na humihimok sa House committee on women and gender equality na imbestigahan in aid of legislation ang pagkamatay ng Davao-based model at businesswoman na si Yvonette “Yvonne” Chua Plaza.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Sinabi ng mga kinatawan ng Gabriela, ACT Teachers, at Kabataan na ang inquiry ay naglalayon na magrekomenda ng mga hakbang na magpapalakas sa mga umiiral na batas para protektahan ang mga kababaihan at magbigay ng hustisya para sa mga biktima ng men in uniform.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Nakasaad sa resolusyon na pinapatunayan lamang ng kaso ni Plaza na ang culture of violence ay patuloy umanong nangyayari sa loob ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Matatandaang, itinurong mastermind sa pagpatay kay Plaza si Brig. Gen. Jesus Durante III kabilang ang anim na enlisted personnel.//CA