France,Germany, handang makipagtulungan sa Pilipinas para mapahusay ang maritime security

Nagpahayag ng kahandaang makipagtulungan sa Pilipinas ang French at German governments para mapahusay ang maritime security sa Indo-Pacific region.

Sa pagdiriwang ng Élysée Treaty kahapon, inulit ni French Ambassador Michèle Boccoz at German Ambassador Anke Reiffenstuel ang pangako ng kanilang mga bansa sa isang free at open Indo-Pacific region.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa panig ng France, sinabhi ni Ambassador Boccoz na handa silang magsagawa ng joint patrols kasama ang Pilipinas sa West Philippine Sea.

Noong nakaraang taon, nagpahayag ang France ng kagustuhang tulungan ang Pilipinas na bumuo ng submarine force bilang bahagi ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Sa kanyang bahagi, sinabi naman ni Ambassador Reiffenstuel na sinimulan na ng Germany ang pagsuporta sa Philippine Coast Guard pagdating sa maritime security at para protektahan ang teritoryo at biodiversity nito.//CA