COMELEC, umaasang tataas pa ang bilang mga magpaparehistro sa Olongapo

Umaasa ang Commission On Elections na aabot pa ng higit tatlong libo ang kabuuang bilang ng mga magpaparehistro sa Olongapo para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Ito ay dahil mayroon pang natitirang tatlong araw bago matapos ang halos dalawang buwang voter’s registration na binuksan sa buong bansa.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ayon kay Election Officer Atty. Marvyn Gaerlan, as of January 26 ay mayroon lang 2,840 na aplikante ang napasama sa listahan ng COMELEC, nasa 1,600 ang mga bagong aplikante at apatnaraan ang re-activation.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Mababa ito kung ikukumpara sa naunang voter’s registration bago ang nakaraang election na umabot na ng higit tatlong libong aplikante.

Maliban sa araw ng linggo, tatanggap ang COMELEC ng mga magpaparehistro sa pamamagitan ng satellite registration hanggang January 31.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO