Legarda, umapela sa DFA ng agarang aksyon para sa seguridad ng bawat Pilipinong naipit sa Israel

Binigyang-diin ni Senadora Loren Legarda na pinakamahalaga sa lahat ang buhay at kaligtasan ng ating mga kababayan sa Israel.

Ito ay matapos ang inilabas na kumpirmasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pilipino ang namatay dito matapos ang pag-atake ng grupong teroristang Hamas.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Kaugnay nito, nanawagan ang senadora sa DFA na magsagawa ng mas maigting na pagbabantay sa sitwasyon ng mga Pilipinong nandoon.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Ito ay upang mapaabutan ang mga ito ng mga karampatang pangangailangan nila.

Samantala, pinaalalahan naman din niya ang mga Pilipinong kasalukuyang nasa Israel na patuloy lang makipag-ugnayan sa embahada.