NAGA CITY – Tuloy na tuloy na ngayong taon ang pagdaraos ng Partido Writers Workshop sa Tamban National Highschool, sa bayan ng Tinambac Camarines Sur.
Ayon kay Marvin Aquino, ang isa sa mga proponent ng aktibidad, katuwang ang Tamban National Highschool, Parasurat Bikolnon Inc, at National Commission for Culture and the Arts, layunin nito na mas payabungin pa ang kaalaman at galing ng mga mapipiling guro at senior high school student sa pagsusulat, mula sa Division of Camarines Sur.
Nabuo ang Partido Writers Workshop sa pamamagitan ng isang inobasyon mula sa isang pananaliksik partikular na sa “Workshop Method Integration in Teaching Creative Writing and Creative Non-Fiction for Senior High School.” Sa ngayon, tumatanggap ng entry hanggang sa ikadalawampu’t anim ng Pebrero, taong kasalukuyan.