Archdiocese ng Caceres may bago nang arsobispo

NAGA CITY- Itinalaga ni Pope Francis si Most Reverend Rex Andrew Clement Alarcon, Doctor of Divinity bilang ika limang  Arsobispo ng Caceres.

Inanunsyo ito sa Vatican kagabi Pebrero 22, 2024. Si Alarcon ay nagsisilbing Bishop ng Daet, Camarines Norte ngayon.

“Welcome Home”  naman ito para sa Naga Cathedral. Siya ang Parochial Vicar ng  Cathedral-Parish mula 1996-1997. Naging direktor ng Naga Parochial School hanggang 2019.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nagpaabot na ng pagbati ang mga parokya sa Camarines Sur at Naga City, gayundin ang LGU at mga opisyal ng lungsod.

Hahalili si Alarcon sa nagretiro nang 77-anyos na si Archbishop Rolando Tria Tirona  O.C.D., D.D., na mula naman sa Cavite at naassign sa Naga City noong 2012 sa ilalim ng panunungkulan ni Pope Benedict XVI. Kita ang saya kay Tirona nang inanunsyo niya rin ito sa mga kasamahan sa  Archbishop’s Palace kagabi.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Pinasalamatan na si Tirona ng mga nakasama sa simbahan  sa mahigit isang dekada nitong pagiging Arsobispo ng Caceres.

Napaka espesyal ng taon na ito para sa simbahan  dahil ipagdiriwang ang  ika- 100 na Canonical Coronation Anniversary ni Inang Peñafrancia.