Parol na gawa sa ‘kalipay’ shell, tampok ng isang negosyante ngayong Kapaskuhan

SORSOGON CITY – Ibinida ng isang negosyante sa lungsod ng Sorsogon ang mga Christmas Parols at iba pang Christmas decors na likha mula sa ‘kalipay’ shells.

Sa panayam ng Brigada News FM sa negosyanteng si Ginoong Neil Carlo Fombuena, galing Cavite ang mga bakal na kinortehan ng iba’t- ibang disenyo habang sa Brgy Rizal sa bayan ng Gubat, Sorsogon naman nanggaling ang mga shells na siyang ginagawa  takip, palamuti at disenyo sa mga lanterns.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay Fombuena, sa pamamagitan ng pinagsama-samang ideya ng bawat kasamahan niya sa trabaho ay natatapos sa loob ng 10 hanggang 45 minuto, upang makabuo ang isang parol.

Sinabi pa nito na patuloy pa rin ang pagbebenta nila ng kanilang mga likha sa kabila ng banta ng Covid-19.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Naniniwala kasi si Ginoong Fombuena na kahit pandemya, dapat pa rin na maramdaman ng bawat isa ang diwa ng Pasko.

Matatagpuan ang mga lokal na produkto sa Brgy Abuyog at Brgy Tugos sa lungsod ng Sorsogon.