Parking area ng Robinsons Place Palawan, nais magamit bilang drop-off at pick-up point

Target ng Sangguniang Panlalawigan na gawing Drop-off at Pick-up point ang parking space ng Robinsons’ Place Palawan sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ito ay sa layuning mapagaan ang biyahe at gastos ng mga mananakay matapos na ilipat ang terminal ng lungsod sa Barangay Irawan.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Kaugnay nito ay magkakaroon ng pagpupulong ang Provincial Board Members at pamunuan ng Mall sa kahilingan na magamit ang kanilang paradahan bilang drop-off point o babaan.

Una nang hindi sinang-ayunan ng Pamahalaang Panlungsod ang unang hiling ng Sangguniang Panlalawigan na gawing drop-off at pick-up point ang dating terminal sa Barangay San Jose.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Samantala, umaasa naman ang mga bokal na mapagbibigyan ang kanilang apela para sa kapakanan ng mga mamamayan at mananakay partikular mula sa bahaging Norte.