Parish Lenten Exhibit tampok ang iba’t- ibang imahe ng mga santo pormal nang bubuksan mamayang hapon sa Paroquia De San Juan Bautista

CAMARINES NORTE- Pormal nang bubuksan mamayang hapon ang Parish Lenten Exhibit tampok ang iba’t- ibang imahe ng mga Santo sa Paroquia De San Juan Bautista sa Daet.

Ang mga imahe ng santo na itatampok sa exhibit  ay yaong karaniwang isinasama sa prusisyon tuwing Semana Santa.

Magkakaroon muna ng misa sa Parish Church na pangungunahan ni Father Ronald Anthony Timoner at isusunod ang Blessing sa Quadricentennial Hall kung saan gaganapin ang aktibidad na tatagal hanggang Abril 18.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Bukas ito sa mga mananampalataya mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.

Matatandaan na  unang nagkaroon ng ganitong aktibidad simula noong isang taon.

Maliban sa Paroquia De San Juan Bautista sa Daet ay sinimulan na noon pang  Miyerkules ang Lenten at Holy Week Exhibit sa Parish of St. Francis of Assisi sa bayan naman ng Talisay.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Tatagal naman ito hanggang Abril 16 o sa Sabado de Gloria.

Una nang inihayag ng Diocese of Daet na tulad ng nakaraang dalawang taon, walang traditional procession sa Holy Week dahil nanatili pa rin ang banta ng COVID- 19.