Pari sa Batangas, nagbigay ng homily sa mismong kasal ng kanyang ex-girlfriend

Lipa City, BATANGAS— Wala na atang mas nakaka-kaba kung imbitahan ka sa kasal ng iyong dating kasintahan, pero may mas hihigit pa sa nerbiyos ng isang paring naatasan na magbigay ng homiliya sa kasal ng kanyang ex-girlfriend?

Ibinahagi ni Fr. Roniel Sulit sakanyang Youtube Channel  ang video ng kanyang pagdalo sa mismong kasal ng kanyang ex-girlfriend na si Korina.

Ayon kay Fr. Roniel, napakarami niya nang napuntahang kasal at ikinasal na mga magkasintahan, ngunit ibang kaba at nerbiyos ang kanyang naramdaman sa kasal ng kanyang ex-girlfriend.

Ayon sakanya, nagkakilala sila noon ni Korina dahil pareho silang naglilingkod sa simbahan, ganunpaman hindi sila nagkatuluyan at bagkus ay tinahak niya na lamang ang landas ng pagpa-pari at taos pusong paglilingkod sa Diyos.

Ikinagulat at ikinatuwa ng mga dumalo sa kasal ang naging rebelasyon ni Fr. Roniel,  nang sabihin niyang ang bride sa naturang kasalan ay minsang naging bahagi ng kanyang buhay pag-ibig.

Ganunpaman, sinabi ni Fr. Roniel na ang kanilang naging relasyon ni Korina ay bahagi na ng kanilang nakaraan, at pareho na silang masaya sa kanya-kanya nilang buhay.

Alam niya umanong masaya na si Korina sa napangasawa nito habang masaya na rin siya sakanyang piniling bokasyon.

Bahagi ng naging homily ni Fr. Roniel sa mag-asawa ang kanyang kahilingan na nawa’y magkaroon ang mga ito ng masaya, matiwasay at maayos na pamilya.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol