Mga bus hindi pa bumibyahe sa point to point sa Isabela; mga gagamiting terminal, inaayos pa

Nilinaw ng Isabela Provincial Information Office na bagaman pinayagan na ng Land Transportation Office Region 2 ang pagbyahe ng mga pampublikong bus ngunit sa ngayon ay hindi pa umano bumibyahe ang mga ito.

Magugunitang una nang napaulat na pinahintulutan na ng pamahalaang panlalawigan ang pagbyahe sa point-to-point ng mga Public Utility Bus sa lalawigan ng Isabela.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Gayunman, mayroon pa umanong kailangang isaayos sa mga terminal sa Cauayan City at City of Ilagan na gagamitin para sa pagbabalik-byahe.

Sa kabila nito ay naglabas din ang pamahalaang panlalawigan ng mga kinakailangang dokumento ng mga byahero patungo sa probinsya.

Maliban sa ipinatutupad na health protocols sa mga pampublikong transportasyon ay kinakailangang magpakita ang mga byahero ng COVID-19 vaccination card kung fully vaccinated na.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Habang sa mga hindi pa nakakumpleto ng bakuna ay dapat magprisinta ng negatibong resulta ng antigen test na valid sa loob ng 72 hours.

Pinapaalalahanan din ang mga driver at operator na papatawan ng kaukulang parusa ang lalabag sa nasabing mga panuntunan.