Dating Maimbung vice mayor Mudjasan – nagre-recruit na umano ng private army ayon sa PNP

Siniwalat ng Philippine National Police (PNP) na nagre-recruit ng private army si Pando Mudjasan para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, isa ito sa mga dahilan kung bakit nila isinagawa ng PNP at Armed Forces of the Philippines ang law enforcement operation sa kampo ni Mudjasan.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Bukod sa paghahain ng arrest warrant for murder kay Mudjasan, sinabi ni Fajardo na ipatutupad din umano ng mga awtoridad ang search warrant laban sa dating bise alkalde dahil sa umano’y ilegal na pag-mamay ari ng mga baril at mga pampasabog.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Matatandaang noong Mayo, sinabi ng PNP na sinusubaybayan nila ang 48 pribadong armadong grupo, kabilang ang tatlong aktibong grupo at 45 potensyal na grupo, sa Ilocos, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Caraga, Cordillera, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.