Naniniwala si Senate President Chiz Escudero na hindi lang talaga gustong dumalo ni Vice President Sara Duterte sa paparating na State of the Nation Address (SONA) 2024 sa June 22.
Ito ang kanyang naging pahayag matapos ang pagtawag ni Sara sa kanyang sarili bilang ‘designated survivor’ na siyang ginamit namang termino sa isang palabas.
Kung saan tumutukoy ang terminong ito sa isang taong hinirang upang maging pansamantalang lider kung sakaling magkaroon ng sakuna o pag-atake sa nakaupong Pangulo kung kaya’t sa mga pagtitipon ay dinadala ito sa lihim na lokasyon upang matiyak ang seguridad.
Samantala, hindi naman umano planong bigyan pa ng malalim na kahulugan ni Escudero ang naging pahayag ni Sara.