PAOCC – wala pang ebidensyang mag-uugnay kay Porac Mayor Capil sa ni-raid na POGO sa kanyang bayan

Aminado ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na wala pa silang hawak na matibay na ebidensya na mag-uugnay kay Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil sa malaking POGO hub na natagpuan sa kanyang bayan.

Ito ay kasunod ng pagkwestyon ni Senador Sherwin Gatchalian sa accountability ni Capil sa kanyang nasasakupan.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, sinabi nitong bagaman wala silang ebidensya laban sa alkalde, hindi raw maipagkakaila na posibleng may nangyaring kapabayaan.

Naniniwala si Casio na imposibleng blanko ang lahat ng mga taga-lokal na pamahalaan ng Porac tungkol sa ilegal na POGO hub.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Napakaliwanag daw ng lugar tuwing gabi, at labas-masok ang mga tauhan nito.

Sa huli binigyang-diin ng PAOCC, na sakaling may pananagutan si Pacil, posibleng administratibo pa lamang ito.