PAOCC, pinapa-freeze sa AMLC ang lahat ng assets ng Lucky South 99

Inatasan ng Presidentail Anti-Organized Crime Commission ang Anti-Money Laundering Council na i-freeze ang mga ari-arian ng Lucky South 99 at ng iba pang nasa likod ng POGO hub na sinalakay sa Porac Pampanga.

Read More:  Sen. Padilla pushes juvenile detention centers, says minors who kill must be held accountable

Base sa inilabas na Memorandum ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inatasan nito si AMLC Director Matthew David na tingnan Batay sa mga nakuhang ebidensiya ang mga assets na maaaring isailalim sa freeze order.

Mababatid na natuklasan ng PAOCC na walang permit ang Lucky South 99 para mag-operate at lalong walang permiso mula sa lokal na pamahalaan ng Porac.

Read More:  Marcoleta accuses Ombudsman over planned plunder case

Nalaman din na maraming mga dayuhang Chinese at ilang Asyano kabilang na ang mga Pilipino ang nagta-trabaho sa naturang POGO.