CAMARINES NORTE – Nahuli sa akto ang siyam na mangingisda mula sa Calabanga, Camarines Sur na iligal umanong namamalakaya sa Municipal territorial water ng Brgy. Hamoraon , Mercedes Camarines Norte.
Batay sa report ng Municipal Information Office ng Lokal na Pamahalaan nitong Huwebes, June 20, ang siyam na mangingisda na nasa hustong gulang, ay pawang mga residente ng Calabanga Camarines Sur at ilan sa kanila ay dati nang nahuli noong mga nakalipas na taon.
Nakumpiska sa mga ito ang tatlong set ng wooden board, mga lambat, lubid at ilang mga huling isda .
Hindi idenitalye ng LGU sa kanilang report ang specific na violation pero nalabag umano ng mga ito ang kanilang umiiral na mga ordinansa.
Nito lang Miyerkules ay ilang kagamitan naman sa pangingisda na engage sa trawl fishing ang narekober ng Bantay Dagat pero walang nahuling tao.
