Empleyadong tinanggal sa trabaho binura ang kanilang company servers

Bilang ganti sa kumpanyang nagpatalsik sa kanya sa trabaho naisipan ni Kandula Nagaraju na idelete ang company servers ng kanyang dating pinapasukan.

Nagtrabaho noon si Nagaraju sa naturang kumpanya bilang bahagi ng quality assurance computer system team sa Singapore.

Ang grupong kinabibilangan niya ang gumagamit ng test servers para mag-run ng applications o programs bago ipagamit sa customers at end users ng kumpanya.

Batay sa assesment ng kumpanya, hindi maganda ang naging performance ni Nagaraju pero pinayagan pa siyang makapagtrabaho ng mahigit isang buwan.

Sa sobrang galit umano ni Nagaraju pinag-aralan niya ang paggawa ng scripts para mag-delete ng virtual servers.

Pinaimbestigahan naman ng kumpanya ang nangyaring hacking sa kanilang servers at dito nakita ang IP address ng suspek.

Ayon sa kumpanya, hindi nila nabura ang access credentials ni Nagaraju matapos ng employment nito.

Mas pinaigting na umano ngayon ng kumpanya ang pagbabantay sa virtual servers nito at mas pinahigpit ang monitoring.