PAOCC – naniniwalang unti-unti nang lalayas ang mga POGOs sa bansa matapos ang deklarasyong ‘total ban’ ni PBBM

Kumpyansa ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na maraming mga POGO ang boluntaryong magsisialis na ng bansa matapos ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos na i-ban ang mga POGO sa Pilipinas.

Sa kanyang SONA kahapon, inatasan ng Pangulo ang PAGCOR sa complete shutdown ng mga POGO hubs hanggang matapos ang taon.

Read More:  Palace blames political noise, fake news for economic slowdown

Sa isang pahayag, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston Casio na ang panahon na ibinigay ng presidente ay sapat.

Magiging mabilis din aniya ang pagpapasara sa POGO kung magtutulong-tuong ang mga ahensya ng gobyerno.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Ayon kay Casio, 58 na ilegal at underground na mga POGO, na karamihan ay nauugnay sa mga sindikatong Chinese at Koreano, ang kanilang susuyurin.

Aminado naman ang PAOCC na isang hamon ang pagpalag at hindi pagsunod ng mga POGO sa order ng Pangulo.