Sen. Win: Mga nasa likod ng illegal POGOs – ‘di pa rin lusot!

Kinumpirma ni Senate Committee on Ways and Means, Chairperson, Senador Win Gatchalian na tuloy lang sila sa kanilang imbestigasyon sa Senado.

Ito ay sa kabila ng naging pronouncement ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Ayon kay Gatchalian, titiyakin din nilang mapanagot sa ilalim ng batas ang mga taong mapapatunayang sangkot dito.

Dagdag pa niya, hindi sila titigil hanggat hindi pa nila nahuhuli si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo mula sa ginagawa nitong pagtatago.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Samantala, para sa kanilang pagdinig sa susunod na linggo, sinabi ni Gatchalian na tutukuyin nila nang mabuti ang mastermind sa likod nito ng kanilang mga nakikitang political links na sangkot dito.