PAOCC – naniniwalang malabong maituring bilang ‘least guilty’ si suspended Mayor Guo sa kaso ng ilegal na operasyon ng POGO

Kung makapagtuturo raw si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng mas mataas sa kanya pagdating sa mga posisyon sa kanilang criminal organization, pwede siyang maging state witness.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston Casio, sinabi nitong maaari itong mangyari sakaling makipagtulungan si Guo sa imbestigasyon sa POGO.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Pero paglilinaw ni Casio, sa ngayon ay ‘negative’ pa sila sa suhestyong gawing state witness ang suspendidong alkalde.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Malaki raw kasi ang pananagutan ni Guo sa kaso.

Sa huli, iginiit din ni Casio na lalong mahirap na maituring bilang ‘least guilty’ ang alkalde sa mga nasa likod ng ilegal na operasyon ng POGO.